Opisyal nang nagsimula ang kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup 2025 na gaganapin mula Agosto 5 hanggang 17 sa Jeddah, Saudi Arabia.
Makakaharap ng pambansang koponan sa Group D ang Chinese Taipei, New Zealand, at Iran.
Pinamumunuan ng batikang coach na si Tim Cone ang grupo, layunin din ng Gilas na malampasan ang ikalawang puwesto noong 2022 kung saan nagtapos lamang sila sa ika-siyam na pwesto.
Game Schedule ng Gilas Pilipinas (Group Stage):
Agosto 6 (Martes), 2:00 AM – vs Chinese Taipei
Agosto 7 (Miyerkules), 11:00 PM – vs New Zealand
Agosto 9 (Sabado), 4:00 PM – vs Iran
Narito naman ang 12-man Lineup ng Gilas Pilipinas:
- AJ Edu
- Calvin Oftana
- Carl Tamayo
- Chris Newsome
- Dwight Ramos
- Jamie Malonzo
- Japeth Aguilar
- June Mar Fajardo
- Justin Brownlee
- Kevin Quiambao
- Scottie Thompson
- CJ Perez
Kahit may ilang manlalarong may iniindang injury, inaasahang magbibigay ng matinding laban ang Gilas para sa karangalan ng bansa.