-- Advertisements --

Dumating na sa India si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa limang-araw na state visit.

Lumapag ang eroplanong sinakyan ng panguluo sa Indira Gandhi International Airport sa New Delhi dakong alas-2:20 ng hapon oras sa India.

Kasama nito sa pagbisita si First Lady Liza Araneta-Marcos at delegasyon nito ng salubungin sila ng mga opisyal ng India at hinandugan pa ng tradisyunal na Indian dance.

Matapos nito ay nagtungo ang pangulo sa Taj Mahal Hotel para sa courtesy call kay Indian External Affairs Minister Dr. S. Jaishankar at nagkaroon ng briefing sa kaniyang state visit.

Inaasahan din na makakasalamuha ng Pangulo ang Filipino community na nasa India.

Base sa talaan ng Department of Foreign Affairs, nasa 200 na mga Pinoy na karamihan ay nasa New Delhi habang mayroong 1,356 na Filipino ang rehistrado sa India.

Sa araw naman ng Martes ay makakasalamuha ng pangulo si Indian President Droupadi Murmu.

Magkakaroon ng bilateral meeting ang pangulo kay Indian Prime Minister Narendra Modi kung saan tatalakayin ng dalawa ang mahigpit na relasyon ng India at Pilipinas.