-- Advertisements --

Naniniwala ang Commission on Elections (Comelec) na ipagpapaliban ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa buwanng Disyembre.

Ayon kay COMELEC Chairmang George Garcia, na maaring aprubahan ng pangulo ang panukala na palawigin pa ang termino ng mga barangay at SK officials.

Kapag mangyari iyon ay magreresulta sa pagpapalibang ng BSKE.

Dagdag pa ni Garcia na walang anumang indikasyon na maaring i-veto ng pangulo ang nasabing panukalang batas.

Sakaling maipagpaliban ay sinabi ni Garcia na mabibigyan sila ng maraming panahon para makapaghanda.