-- Advertisements --

Nagpaalala si Cardinal Luis Antonio Tagle sa mga Catholic influencers sa gitna ng pagdami ng AI-generated content na si Hesus ay hindi isang produktong digital kundi ang larawan ng Diyos na hindi nakikita.

Sa kanyang homiliya sa Jubilee Mass para sa digital missionaries sa St. Peter’s Basilica, sinabi ni Tagle na ang mga influencer ng simbahan ay hindi lamang tagapaghatid ng mensahe, kundi mga misyonero na may tungkuling isabuhay at isalamin ang pag-ibig ni Kristo online.

Binalaan din niya ang panganib ng maling impluwensiya sa digital space — gaya ng deepfakes, pekeng endorsements, at panlilinlang para sa kita. Ibinunyag ni Tagle na ginamit ang kanyang larawan nang walang pahintulot para magbenta ng gamot sa arthritis sa social media.

Nanawagan si Tagle ng mas malalim na pagninilay sa layunin ng digital evangelization. Dapat aniya ay si Hesus ang tunay na impluwensiya, hindi ang mga trending topic o algorithm. (Report by Bombo Jai)