-- Advertisements --

Naghahanda ngayon ang Philippine National Police (PNP) para sa pamamahagi ng second tranch ng Social Amelioration Program (SAP) kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Pero bago pa man isagawa ang distribution ng financial aide ng gobyerno sa mga beneficiaries, sasailalim muna sa dalawang araw na orientation ang lahat ng PNP commanders at chief of police.

Layon nito para mabatid ang magiging role ng PNP sa sandaling magsimula na ang pamamahagi ng ayuda.

Una ng inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niya na ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang manguna sa cash aid distribution.

Ang 2nd tranche ng SAP ay ipamamahagi sa mga entitled beneficiaries sa mga sumusunod na lugar sa bansa:

• National Capital Region
• Region 3 except Aurora
• Region 4-A
• Benguet
• Pangasinan
• Iloilo Province
• Cebu Province
• Bacolod
• Davao City
• Albay Province
• Zamboanga City