Inihayag ni Rep. Joel Chua na nakatakdang isumite ng House of Representatives sa Senado ang mga artikulo ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte sa susunod na linggo.
Ayon kay Chua, malinaw sa Saligang Batas na obligadong mag-convene ang Senado bilang impeachment court kapag naipasa na ang mga artikulo.
Giit niya, hindi na kailangan ng TRO mula sa Korte Suprema dahil “sobra-sobrang due process” na ang ibinigay kay Duterte.
Posibleng bumoto ang Kamara sa Martes o Miyerkules para sa pagpili ng mga prosecutor na haharap sa Senado.
Kabilang sa mga lumulutang na pangalan ang ilang abogado-mambabatas gaya nina Chel Diokno, Leila De Lima, at Terry Ridon.
Sa kabuuan, nakahanda na ang Kamara na ipasa ang impeachment case, na inaasahang magbubukas ng isa sa pinakamalaking political trials sa kasaysayan ng bansa. (report by Bombo Jai)
















