Iginiit ng House of Representatives na hindi ito matitinag sa umano’y political threats ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) kaugnay ng nakatakdang botohan sa impeachment ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, Mayo 11.
Ayon kay Deputy Speaker Paolo Ortega V, hindi matatakot, maba-blackmail, o mapipigilan ang mga kongresista sa pagtupad ng kanilang tungkuling konstitusyonal, kabilang ang pagtalakay sa impeachment complaints.
Pahayag ito ng mambabatas matapos magbabala ang PDP na maaaring i-blacklist at kalabanin sa susunod na halalan ang mga mambabatas na boboto pabor sa impeachment ni VP Sara.
Dagdag pa ni Ortega, ang mahalaga sa Kamara ay ang boses ng mamamayang Pilipino at hindi ng isang partidong aniya’y pilit muling nagpapalakas ng impluwensya.















