-- Advertisements --

Inihayag ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na hindi nito susuportahan o papayagang tumakbo sa ilalim ng kanilang partido ang mga politikong susuporta sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa pahayag ng partido, sinabi nitong hindi maaaring lumipat sa PDP ang mga boboto pabor sa impeachment at maaaring ma-blacklist ang mga boboto pabor sa impeachment gyundin posibleng suportahan ng PDP ang mga katapat nilang kandidato.

Iginiit ng partido na hindi ito pagbabanta kundi usapin ng “political accountability” laban sa anila’y “politically driven impeachment” laban sa Bise Presidente.

Samantala, sinabi ni Vice President Sara Duterte na isa na siyang “presumptive candidate” para sa 2028 presidential elections matapos niyang ihayag ang planong pagtakbo.

Nakatakdang pagbotohan sa plenaryo ng Kamara ang Articles of Impeachment laban sa Bise Presidente ngayong Lunes, Mayo 11.