-- Advertisements --

Bumuwelta si National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag kay dating Comelec Commissioner Atty. Rowena Guanzon kasunod ng pagkuwestyon ng huli sa operasyon laban kay Peanut Gallery Media Network (PGMN) founder Franco Mabanta at iba pa.

Kinuwestyun kasi ni Guanzon kung saan nakuha ang perang ginamit sa operasyon dahil naka-freeze ang account ni dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Sagot naman ni Matibag, gumamit lamang ang mga operatiba ng ‘marked money’ sa naturang operasyon.

Paliwanag ng NBI chief, karaniwang pamamaraan ng mga law enforcement agency ang paggamit ng marked money o tinatawag din niyang ‘budol money’ sa mga entrapment operation.

Tanging ang mga tunay na pera lamang aniya ang inilalagay sa ibabaw ng mga bulto ng pera habang ang natitirang bahagi ay binubuo na ng mga pekeng pera.

Nilinaw din ng opisyal na walang inilabas na aktwal na pera si Romualdez bago ang nangyaring operasyon.