Inilunsad ngayong araw, Mayo 8, ang ‘Dapat Isa Lang (D1L) Movement,’ isang nationwide grassroots campaign na may layuning ipasa ang ‘genuine’ anti-political dynasty bill sa pamamagitan ng people’s initiative.
Ilan sa mga kilalang miyembro ng naturang movement ay sina dating Supreme Court Justice Antonio Carpio, Fr. Robert Reyes, Atty. Carlo Africa, at iba pa.
Nais ng D1L Movement na limitahan ang political families sa isang puwesto lamang sa national level (President, Vice President, Senate, House of Representatives, Party-list).
Nais din ng grupo na isang puwesto lamang ang makuha ng political families sa provincial level (Governor, Mayor, Vice Mayor, Councilor, Barangay Kapitan at Kagawad) hanggang sa 4th Civil Degree of Consanguinity and Affinity.
Sa ilalim ng people’s initiative, kailangang makaipon ng 10% o 6.9-milyon na pirma ng mga rehistradong botante sa buong bansa.
Ito ay katumbas ng 3% sa 254 distrito sa Pilipinas.
Kapag naabot ito, ihahain ang petisyon sa Commission on Elections (COMELEC) at magkakaroon ng referendum kung saan boboto ng ‘YES’ or ‘NO’ ang publiko.
Sa ganitong paraan, hindi na kailangang dumaan sa Kongreso o sa Pangulo ang batas sang-ayon sa Article VI, Section 32 ng 1987 Constitution.
















