Aminado ang kampo ng mga biktima ng war on drugs na samantalahin ng kampo ni dating Pangulong Duterte ang kawalan nito ng lead counsel para humiling ng mga bagay na magpapaantala sa trial.
May pangamba din umano sila sa pagtakas at posibleng intimidasyon sa mga saksi habang papalapit ang paglilitis, kaya hindi dapat palayain si Duterte.
Kaya nnaman, naghain ng mosyon ang Prosecution at mga kinatawan ng mga biktima sa upang manatili sa kustodiya ang dating presidente.
Sa kanilang pagsusumite, iginiit ng Prosecution na si Duterte ay nananatiling flight risk, lalo na matapos niyang tawagin ang kanyang pag-aresto noong Marso 2025 bilang “kidnapping.”
Ayon sa kanila, hindi ito mga salita ng taong kusang babalik sa korte kung bibigyan ng pansamantalang kalayaan.
Binanggit din ang kanyang malawak na political influence, kabilang ang pagiging mayor muli ng Davao City at ang kanyang anak na si Sara Duterte bilang kasalukuyang bise presidente.
Nagpahayag din ang Common Legal Representatives of Victims (CLRV) na ang paglaya ni Duterte ay magdudulot ng takot at pangamba sa mga pamilya ng biktima.
Anila, ang confirmation of charges noong Abril 23, 2026 ay mas nagbibigay ng insentibo kay Duterte na tumakas. Binanggit nila ang pangamba sa “pressure and intimidation” mula sa kanyang mga tagasuporta, at iginiit na ang detensyon ang tanging paraan upang matiyak ang kaligtasan ng mga saksi at biktima habang papalapit ang paglilitis.
Tinukoy din ng Prosecution ang mga pahayag ng kanyang mga kaalyado, kabilang si Vice President Sara Duterte at dating presidential legal counsel Salvador Panelo, na patuloy umanong bumabatikos sa lehitimidad ng ICC. (report by Bombo Jai)
















