-- Advertisements --
Tutulong ang PNP Medical Reserve Force (MRF) sa mga vaccination programs ng gobyerno sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Sinabi ni PNP chief General Guillermo Eleazar na malaking tulong ang mga kapulisan lalo na target ng mga LGU sa National Capital Region na mabakunahan ang 250,000 katao sa loob ng isang araw.
Dagdag pa ni Eleazar, nakahanda na sila sakaling tawagin sila sa vaccination process sa loob ng dalawang linggo.
Sinabihan na rin nito ang mga police commanders nito sa iba’t ibang lugar na magkaroon ng koordinasyon sa mga local government units para sa sa nasabing vaccination process pagsapit ng ECQ.