-- Advertisements --
Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na nabigyan siya ng basbas mula sa kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa 2028 elections.
Ayon sa bise presidente na ito ang isa sa mga tinalakay niya noong binisita niya ang ama sa detention facility ng International Criminal Court sa the Hague, Netherlands.
Hindi naman binanggit ng bise presidente kung anong posisyon ang kaniyang tatakbuhan.
Dagdag pa nito na ang dating pangulo umano ang unang magbibigay ng kontribusyon at suporta kung nagbabalak ang bise presidente na tumakbo.