Naglabas ng hinaing si Senator-Judge Robin Padilla habang tinatalakay ang kalagayan ng ilang kasamahan niya sa Senado na hindi nakadadalo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang pahayag sa impeachment court, ipinaliwanag ni Padilla na binabanggit nila ang mga senador na kasalukuyang nasa piitan upang maipakita sa publiko ang sitwasyon ng kanilang minority bloc at hindi para hamakin o husgahan ang kanilang mga kasamahan.
Giit ni Padilla, hindi dapat tratuhin ang mga nasabing senador na para bang nahatulan na, dahil wala pa namang pinal na conviction laban sa kanila.
Hiniling din niya na sana ay nabigyan ng pagkakataon ang mga nakakulong na senador na makadalo sa impeachment proceedings, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Sandiganbayan.
Ayon kay Padilla, magkakasama silang nanumpa bilang mga senador at dapat ding magkaroon ng pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa, lalo na sa gitna ng nagpapatuloy na impeachment trial.
Samantala, naging emosyonal si Padilla sa pagtatapos ng kanyang pahayag nang banggitin niya ang posibilidad na maaaring hindi na siya makabalik sa Senado.
Sinabi niya na baka iyon na ang huli niyang araw sa Senado at baka ma-miss na rin niya ang kanyang mga kasamahan.
















