-- Advertisements --

Iminungkahi ng consumer advocacy group sa gobyerno na dapat ay magkaroon ng epektibo at makabagong tekholohiya para labanan ang iligal na online gambling.

Ayon sa Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente at Konsyumer at Mamamayan na ang agarang pagbabawal ng online gambling ay maipagpapatuloy lamang ng lehitimong gaming platform na mag-operate ng patago.

Giit ng grupo na kapag may malakas na digital regulation na suportado ng makabagong governance tools ay tiyak na malalabanan ang underground na gambling activities.

Sinabi nina Atty. Karry Sison ang convenor ng BK3 at si KM Convenor Danilo Lorenzo DeLos Santos na hahanap pa rin ang mga online gambling sites ng paraan para sila ay makapag-operate.

Nanawagan ang mga ito sa mga mambabatas na dapat ay magpasa ng batas na tuluyang magpatigil ng online gambling sa pamamagitanng paggamit ng mga makabagong teknolohiya.