Nagdeklara ang Israel ng pansamantalang paghinto sa opensiba sa ilang bahagi ng Gaza upang payagan ang mas na makadaan ang mga United Nations (UN) at humanitarian aid convoys, sa gitna ng lumalalang krisis sa kagutuman sa rehiyon.
Ayon sa militar ng Israel, magsisimula ang tinatawag na “tactical pause” araw-araw mula ala-10:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi sa mga lugar na wala nang aktibong operasyon ng sundalo, tulad ng Al-Mawasi, Deir el-Balah, at Gaza City.
Pinayagan din ang pagpasok ng mga secure routes para sa paghahatid ng pagkain at gamot.
Kasabay nito, nagsagawa na rin ang Israel ng mga airdrop ng pagkain, habang ang United Arab Emirates at United Kingdom ay nagpahayag ng suporta at muling paghatid ng tulong mula sa Gaza. Gayunpaman, duda ang ilang humanitarian groups sa epekto nito, at iginiit na hindi sapat ang air drops para matugunan ang malawakang gutom.
Sa kabila ng mga hakbang, higit 50 katao pa rin ang naiulat na napatay noong Sabado sa mga airstrike at pamamaril umano ng Israel, ayon sa Palestinian civil defense.
Umigting pa ang tensyon matapos harangin ng mga sundalong Israeli ang isang barko ng pro-Palestinian activists na nagtangkang basagin ang naval blockade.
Maalalang ang kagutuman na nararanasan sa Gaza ay lumala matapos ang total blockade na ipinataw ng Israel noong Marso ng taong ito kung saan naging pahirapan ang pagpasok ng land aid at maraming lugar ang hindi marating dahil sa mahigpit na kontrol ng militar.