Magkakaroon ng joint police exercises ang PNP at Israeli Police na tututok sa paglaban sa terorismo.

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde, napagkasunduan nila ng kanilang counterpart na magkaroon ng joint exercises matapos ang pagbisita nito sa bansang Israel kamakailan lamang.

Partikular na binisita ni Albayalde ang Israeli Police Special Unit.

Ayon sa hepe ng pulisya, isa ang Israel sa mga bansang may pinakamakabagong paraan sa paglaban sa mga terorista bagay na nais ding tularan ng PNP.

Karamihan aniya sa mga kagamitan ng PNP ani Albayalde ay mula sa Israel lalo’t natiligil na ang pagkuha nila ng mga kagamitan sa Amerika alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil dito, inimbitahan ni Albayalde ang kanilang mga Israeli counterpart upang magsagawa ng pagsasanay sa mga Pilipinong Pulis na gagawin naman sa lahat ng Kampo ng PNP sa buong bansa.