Reading Time: 1 minute
shabu pasig Eleazar
NCRPO director Maj. Gen. Guillermo Eleazar

Nakipag-ugnayan na ang PNP sa mga Chinese police officials dahil sa pagdami ng mga prostitution dens na pinapatakbo ng mga Chinese.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. General Guillermo Eleazar, isa itong magandang hakbang para tuluyan ng masawata ang nasabing pagdami ng mga Chinese prostitution den sa bansa.

Naniniwala si Eleazar na may tulong sa ekonomiya ng bansa ang pagdami ng mga Chinese workers pero ang negatibong parte nito ay ang paglaganap ng mga Chinese operated prostitution den.

May itinakda na silang araw sa pagpupulong sa mga Chinese police attache sa mga darating na araw.