Luneta park Rizal manila munument

Mahigpit na ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabawal sa anumang uri ng mass gathering bukas June 12 na ika-122 anibersaryo sa Araw ng Kalayaan.

Sa isang statement, umapela si PNP chief, General Archie Gamboa sa publiko na umiwas sa mga pagtitipon bilang pagsunod pa rin sa health protocol na itinakda ng pamahalaan ngayong may COVID-19 pandemic.

Ayon kay Gamboa, bukas hindi gaya ng mga nakalipas na pagdiriwang, simpleng seremonya lang ang gagawin sa Rizal Park sa Maynila.

Nasa 10 tao lang umano ang papayagan na lumahok sa commemoration rites base sa guidelines ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.

Ngayong taon, may tema ang Araw ng Kalayaan na “Kalayaan 2020: Towards a Free, United, and Safe Nation.”

RALLY 3 1

Magsasagawa naman ng sabayang flag raising ceremony ang PNP sa Camp Crame at sa lahat ng Police Regional Offices na dadaluhan ng limitadong opisyal bukas.

Sa kabilang dako, ayon naman kay JTF Covid Shield commander Lt Gen. Guillermo Eleazar sa panayam ng Bombo Radyo, kanilang ipapatupad ang batas sa mga lalabag sa safety and health protocols lalo na sa mga gagawing mass gathering.

Una rito nanawagan ang human rights leader,Atty. Chel Diokno anggang alas-11:00 ng umaga para ihayag ang mga hinaing at saloobin laban sa gobyerno.

Kabilang sa kanilang tatalakayin ay ang kontrobersiyal Anti-Terrorism Bill 2020, warrantless arrests at ang pag -atake sa Facebook partikular ang pagkalat ng mga pekeng social media accounts.