-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Balik na sa normal ang klase ng dalawang elementary schools at dalawang day care centers sa Brgy. Pianing nitong lungsod ng Butuan matapos ang dalawang bakbakan na kumitil sa buhay ng isang rebeldeng New People’s Army o NPA.

Ayon kay 1LT Rolando Baodo, tagapagsalita ng 29th Infantry Battalion, Philippine Army, nagsimula ang unang engkwentro dakong alas-5:20 ng umaga na tumagal ng dalawang minuto na sinundan naman dakong alas-7:30 ng umaga.

Dito na natagpuan ang bangkay ni alyas Jacob, residente ng Brgy. Diatagon sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur na kasamahan ng namatay ng si Ka Maria Malaya, sa nakaraan nilang engkwentro sa pagitan ng pwersa ng 30th Infantry Battalion.

Si alyas “Jacob,” ay opisyal ng Regional Headquarters sa North Eastern Mindanao Committee sa NPA, at narekober sa encounter site ang dalawang high-powered firearms, isang bandolier, mga subersibong dokumento, at isang cellphone.