Magtatalaga ng karagdagang personnel ang Philippine National Police (PNP) sa mga itinayong Tent Cities sa lalawigan ng Cebu bilang bahagi pa rin ng kanilang assistance sa mga apektadong resident ng lindol.
Ayon kay Police Regional Office 7 Director PBGen. Red Maranan, hindi bababa sa 30 tauhan ang nakatakda nilang italaga sa higit tatlong tent cities sa Cebu para sa mga karagdagang seguridad sa lugar.
Layon kasi nito na makapaglagay ng mga police assistance desks at maging mga mobile patrols sa area na siyang magtitiyak ng kaligtasan ng mga residente.
Kabilang sa mga lugar na paglalagyan ng mga pansmantalang tirahan na ito ay ang Bogo city, San Remigio at Medellin na siyang pinakanapinsala ng magnitude 6.9 na lindol.
Samantala, pokus ngayon ng Pambansang Pulisya ang tuulong sa mga pagtatayo ng mga naturang tent cities katuwang pa ang ibang mga ahensya habang patuloy na nagpapatupad ng seguridad sa mga naturang lugar.