-- Advertisements --
Robredo
VP Leni Robredo

Suportado ng Philippine National Police ang naging hakbang ng Pang. Rodrigo Duterte at tatalima sa anumang magiging utos hinggil sa pagtatalaga kay Vice President Leni Robredo bilang Co-Chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs.

Ayon kay PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac, ibibigay ng PNP ang nararapat na paggalang kay VP Leni bilang Pangalawang Pangulo ng bansa.

Tatalima din ang PNP kung anuman ang ibibigay na direktiba sa kanila ng Pangulong Duterte.

Una ng sinabi ng Pangulo na handa siyang bigyan ng kapangyarihan si VP Leni para solusyunan ang problema ng bansa sa iligal na droga.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag makaraang ipanawagan ng Bise Presidente na kailangang repasuhin ang War on Drugs ng administration.