Inihain ngayong araw ang mga petisyon sa Korte Suprema upang kontrahin ang bagong nilagdaang batas ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Partikular sa naturang batas ng Republic Act No. 12232 ay ang siyang nagpaliban sa nakatakda sanang isagawang Barangay at Sanggunian Kabataan Elections 2025.
Buhat nito’y naghain ng magkahiwalay na petisyon sina election lawyer Atty. Romulo Macalintal, at John Barry Tayam na isa namang guro.
Naniniwala ang abogadong si Macalintal na dapat pa ring matuloy ang naturang eleksyon sapagkat aniya’y wala namang sapat na dahilan para ito’y ipagpaliban.
Kaya’t kanyang inihain ang ‘petition for certiorari and prohibition’ sa Korte Suprema upang maipadeklarang ‘unconstitutional’ at ‘walang bisa’ ang batas na nilagdaan ng Pangulo.
Dahil rito’y nanindigan pa si Atty. Romulo Macalintal na hindi dapat ipagliban ang naturang eleksyon sapagkat aniya’y dapat itong ituloy ngayong taon.
Kanyang mariin tinutulan at itinuring na panlilinlang ang pagpapaliban mula sana’y sa Disyembre na inilipat na sa susunod na taon ng Nobyembre.
Habang ngayong araw din ay naghain kahiwalay na petisyon ang isang guro na si John Barry Tayam upang kontrahin ang pagpapaliban sa eleksyon.
Hiling niya na mag-isyu ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order o T.R.O. at maideklarang ‘unconstitutional’ ang niligdaang batas ng pangulo.