-- Advertisements --

manilanorth1

Pinaalalahan ni PNP Chief Pgen. Guillermo Eleazar ang publiko na limitahan sa mga ka-pamilya ang mga gagawing pagtitipon ngayong All Souls at All Saints Day. Ayon sa PNP Chief, pinahihintulutan lang ang mga pagtitipon para sa mga miyembro ng “family bubble”, alinsunod sa abiso ng Department of Health DOH.

Apela ng PNP Chief, kung maari ay ipagpaliban na rin muna ang mga nakaugaliang holloween parties at pag- trick or treat ng mga bata, dahil may banta parin na mahawa ng Covid 19.

Tiniyak naman ni Eleazar na magiging “visible” ang mga pulis sa mga pampublikong lugar para masiguro na nasusunod ang minimum public health standards.

Nitong weekend, isang bar sa makati ang ni-raid ng mga pulis matapos itong I-report na lumalabag sa health protocols kabilang ang oras ng curfew at maximum capacity.

Mahigit 200 ang nabigyan ng citation dahil dito.

Samantala, siniguro naman ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na may mga pulis na nakabantay sa mga sementeryo at memorial parks sa kalakhang Maynila ngayong pinapayagan pa ang publiko na bumisita sa kanilang mga mahal sa buhay.

Pero sa darating na October 29 hanggang November 2 sarado ito, batay sa inilabas na guidelines ng IATF.

Binigyang-diin ng PNP na sa mga araw na pwedeng dumalaw, tanging 30% capacity lang ang papayagan sa loob ng mga sementeryo at kailangan sumunod ng minimum public health standards ang lahat.

Ayon kay NCRPO Spokesperson Col. Jenny Tecson, bukod sa pagbibigay seguridad, sinisiguro din ng mga pulis na nasusunod minimum public health standard.

Sinabi ni Tecson nasa kabuuang 3,329 personnel ang naka deploy ngayon sa ibat ibang sementeryo.

Sa nasabing bilang 1,520 dito ay mga Pulis; AFP-49, BFP-77; PCG 2 at 1,687 dito ay mga force multipliers.