-- Advertisements --

Umaabot na ngayon sa 3,036 ang bilang ng aftershocks na naitala ng Phivolcs sa Central Visayas, kasunod ng 6.9 magnitude na lindol na naramdaman noong Setyembre 30, 2025.

Sa naturang bilang, 586 ang plotted o na-detect ng dalawa o higit na monitoring device ng ahensya.

Nasa 15 sa mga ito ang naramdaman mismo ng mga residente sa nasabing rehiyon.

Ang mga pagyanig ay naglalaro sa lakas na magnitude 1.0 hanggang 5.0.

Hindi inaalis ng Phivolcs ang posibilidad na umabot ang aftershocks hanggang sa mga susunod na buwan.