Makakaharap ngayong araw ni Pinay tennis star Alex Eala si Viktorija Golubic ng Switzerland para sa quarterfinals Suzhou Open WTA 125.
Gaganapin ang paghaharap ng dalawa sa China dakong alas-10 ng umaga ngayong Oktubre 3.
Ito na ang pang-apat na magkakasunod na pagharap ni Eala sa quarterfinals na mula Guadalajara 125, SP Open, at Jingshan Tennis Open.
Bago makapasok sa quarterfinals ay unang tinalo ni Eala si Greet Minnen ng Belgium.
Ranked 58 si Eala habang ang 32-anyos na si Golubic ay ranked 35 noong 2022 kung saan nakapasok ito sa quarterfinals ng Wimbledon noong 2021.
Ang sinumang manalo sa dalawa ay makakaharap si Tatjana Maria ng Germany na ranked 44 para sa semifinals round.
Sa pagpasok ni Eala at Golubic ay tiiyak na ang kanilang 27 ranking points at $3,450 na prize money.