-- Advertisements --

Maglalabas ng P375 milyon na pondo ang Department of Budget Management (DBM) para sa pagtulong sa mga nasalanta ng lindol.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman , na bilang tugon sa utos ni Pres. Ferdinand Marcos Jr ay agad niyang inatasan ang DBM na maglabas ng pondo.

Dagdag pa ng kalihim na ang P150-M ay para sa lalawigan ng Cebu at tig P75-M naman para sa San Remegio, Bogo City at Medellin na naapektuhan ng lindol.

Nais din kasi ng Pangulo na lahat ng mga ahensiya ay gumalaw para mabilis na makabangon ang mga nasalanta ng lindol sa Cebu.