Lumakas pa ang Bagyong Paolo at ngayon ay ganap nang isang tropical storm. Ayon sa pinakahuling ulat, tinatayang nasa 705 kilometro silangan ng Infanta, Quezon ang sentro ng bagyo. Patuloy itong kumikilos pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Taglay ng bagyo ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na umaabot sa 80 kilometro kada oras.
Mga Lugar sa ilalim ng Signal No. 1:
Mainland Cagayan
Isabela
Quirino
Nueva Vizcaya
Apayao
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
Benguet
Ilocos Norte
Ilocos Sur
La Union
Pangasinan
Hilagang bahagi ng Zambales
Tarlac
Nueva Ecija
Aurora
Hilagang bahagi ng Bulacan
Hilagang bahagi ng Pampanga
Hilagang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands
Hilagang bahagi ng Catanduanes