Ipinadi-disbar ni acting Davao City Mayor Baste Duterte ang ilang matataas na opisyal ng bansa na sina Department of Justice Secretary Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, Defense Sec. Gibo Teodoro, Justice Usec. Felix Ty, at Prosecutor General Richard Anthony Fadullon.
Bilang legal counsel ng naturang alkalde, personal na inihain ni Atty. Israelito Torreon sa Kataas-taasang Hukuman ang disbarment complaint kontra sa mga nabanggit na opisyal.
Ayon sa naturang abogado, ang paghahain ng disbarment case ay base sa kapasidad ng alkalde bilang kabahagi ng pamilya Duterte.
Bagama’t tumangging ibahagi ni Atty.Torreon ang nilalaman ng dokumento, aniya’y kaugnay ito sa naganap pag-aresto at pagpapadala kay former President Rodrigo Roa Duterte tungo The Hague, Netherlands.
Buhat nito’y itinuring lamang ni Department of Justice Sec. Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang naturang disbarment complaint bilang ‘forum shopping’.
Kung saan expected o inaasahan na aniya naman na ito lalo na sa panig o parte ng kampo ng mga Duterte.
Kanya pang sinabi na hindi ito ang kauna-unahang nakatanggap siya ng reklamo o kaso mula sa naturang abogado.