Naglatag ng mga kondisyon si Vice President Sara Duterte bago siya haharap sa budget debate dsa plenaryo ng Kamara.
Ipinakita ni OVP budget sponsor Rep. Jose Pepito Alvarez ang sulat na ipinadala ni VP Sara sa House Committee on Appropriations.
Binanggit ni Alvarez na naglatag ng mga kondisyones si VP Sara, isa dito ang pagharap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr para umano sa P27.3 billion budget deliberation ng Office of the President.
Bukod dito, hiniling din ng Pangalawang Pangulo na dadalo sa budget debate kung ang Committee on Good Government and Public Accountability ay makakuha ng dokumento mula sa Department of Justice na nagkukumpirma na pinapawalang bisa ang Immigration Lookout Bulletin Order laban sa mga sumusunod na empleyado ng OVP na sina: Atty Zuleika Lopez, Mr. Lemuel Ortonio, Atty. Rosalynne Sanchez, Atty. Sunshine Charry Fajarda, Ms Gina Acosta, Ms. Julieta Villadelrey at Mr. Edward Fajarda.
Gayunpaman, inihayag ni Alvarez na hindi na tutugunan ng House Committee on Appropriations ang sulat ni VP Sara lalo at huling araw na ngayon ang plenary deliberations para sa proposed 2026 national budget.
Ang sulat ni VP Sara ay may petsa na September 30,2025.