PNP
PNP

Hinimok ni PNP Chief Gen. Achie Francisco Gamboa ang mga pulis na kabilang sa narco list ng Pangulong Rodrigo Duterte na mag-early retirement na lamang.

Ito ay bago simulan ng PNP ang adjudication at validation sa 357 pulis na kasama sa naturang listahan para malaman kung sino talaga sa mga ito ang sangkot sa iligal na droga.

Nilinaw naman ni Gamboa, kung mayroon sa mga pulis na ito ang gustong mag-optional retirement, hindi ito ikukunsidera bilang pag-amin ng kanilang kasalanan.

Giit nito na sakaling mag-early retirement ang mga umano’y narco cops malaking kabawasan ang mga ito sa kinakaharap na problema ng PNP.

Nilinaw ni Gamboa na hindi lahat ng nasa narco list ay otomatikong guilty dahil base lang ito sa mga report at intelligence information.

-- Advertisement --

Ito aniya ang dahilan bakit kailangang sumailalim sa adjudication at validation ang mga nasa listahan.