Nagbabala si PNP chief police Director General Ronald dela Rosa sa mga militanteng grupo na magkakaroon ng malaking problema kung magpupumilit ang mga raliyista na magsagawa ng kilos protesta sa mga lugar na hindi designated areas.

Sinabi ni Dela Rosa na hindi naman nila pinagbawalan ang mga rallyista na magsagawa ng kilos protesta lalo na sa lugar na inilaan para sa kanila.

Tiniyak ng PNP Chief na mahigpit nilang ipapatupad ang maximum tolerance laban sa mga ito.

Ito ang mahigpit niyang bilin sa mga miyembro ng PNP Crowd Disperal management team.

Mahigpit namang minomonitor ngayon ng PNP ang mga militanteng grupo na nagsasagawa ng kilos protesta lalo na ang mga grupong nagtakang pumasok sa may area ng U.S. embassy.

Ang itinalagang lugar ng PNP para magsagawa ng rally ay sa Liwasang Bonifacio.

Umaasa pa rin si Bato na makipag-cooperate ang militanteng grupo sa otoridad