-- Advertisements --

Nakapagtala ng halos 500,000 na mga pasahero ngayong ang pamunuan ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na siyang babiyahe pauwi sa kani-kanilang mga probinsiya ilang araw bago ang eleksyon.

Sa datos ng PITX, simula Mayo 5 hanggang nitong Huwebes, Mayo 7, ay nakapagtala ng kabuuang bilang na 503,027 na mga pasahero ang kanilang pamunuan.

Karamihan sa mga biyahero ay patungong Bicol, Batangas, at ilan din ang bumabiyahe na pa-norte.

Inaasahan naman na papalo sa 1.3 milyong pasahero ang mapagsisilbihan ng PITX simula ngayong linggo hanggang Mayo 13 na siya namang inaasahang uwian naman ng mga botante.

Mahigipit naman ang ipinapatupad na seguridad sa terminal kung saan patuloy na ipinagbabawal ang mga matatalim na bagay at mga flammable items.

Sa ngayon nakapagtala ng halos 65 na mga confiscated items ang terminal na siyang isusurrender naman nila sa mga otoridad para sa disposal nito.

Samantala, nakatalaga na rin ang law-enforcement personnels sa palibot ng PITX gayundin ang mga K9 units na ipinakalat sa lugar at maging mga roving security guards para matiyak ng kaligtasan ng mga pasahero sa loob at labas ng terminal.