Pinayagan ng makauwi si Philippine men’s volleyball team star Bryan Bagunas matapos na magnegatibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Lumabas ang swab test result ni Bagunas matapos ang anim na araw ng ito ay suriin pagkagaling niya sa Japan.
Pinasalamatan naman ni Bagunas sina deputy chief implementer ng national policy against COVID-19 Vince Dizon, Dept. of Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat at Philippine Sports Commission chairman William Ramirez.
Naglaro si Bagunas sa Oita Miyoshi Weiss Adler sa Japan V. Premier League.
Gaya ng ipinapatupad sa mga umuuwi sa bansa ay isinailalim si Bagunas sa swab testing at pansamantalang tumira ito sa isang hotel sa Quezon City habang hinihintay ang resulta ng swab test.
Balak ng Balayan, Batangas native na bumalik sa Japan sa Agosto o Setyembre.