-- Advertisements --

Ipinag-utos ni US President Donald Trump ang paglalagay ng kanilang nuclear submarines malapit sa Russia.

Ang hakbang ay kasunod ng palitan ng salita ng US President kay Russian deputy Security Council chairman Dmitry Medvedev ukol sa panggigipit nito sa Russia.

Sinabi kasi ni Medvedev na magkakaroon ng Cold War at mapipilitan silang magamit ang nuclear capabilities nila kung gigipitin sila ng US.

Una ng ipinag-utos ni Trump na binigyan niya ng 10 araw si Russian President Vladimir Putin para tumugon sa ceasefire deal nila ng Ukraine.

Sakaling hindi tumugon ang Russia ay mapipilitanang US na magpataw ng mabigat na kaparusahan.