-- Advertisements --

Nakatakdang i-upgrade ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang Emergency 911 systems sa buong bansa.

Ayon sa DILG na nais nilang mas mabilis na pagresponde at koordinasyon sa mga komunidad kaya sila mag-upgrade.

Sinabi naman ni DILG Secretary Jonvic Remulla, na seryoso sila sa pagbibigay ng magagamit ang mga local government unit (LGU) tuwing may kalamidad.

Dagdag pa ng kalihim na nais nilang idagdag ang kahandaan tuwing may kalamidad bago agn pagtama ng bagyo ay nakagalaw na ang mga LGU.

Bukod sa pag-upgrade ng 911 ay hinikayat ni Remulla ang mga LGU na dapat ay i-update din nila ang mga disaster preparedness plans , imonitor ang mga waterways at ganun din ang paghanda sa mga rescue assets bago agn pagdating ng kalamidad.