-- Advertisements --

Dumepensa ang Malacañang sa puna ng marami sa hindi pagbanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) ang paglaban sa online gambling.

Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi padalos-dalos ang Pangulo kay pinag-aaralan niyang mabuti ang panukalang tuluyang ipagbawal ang online gambling.

May malaking tulong sa mamamayan kasi ang kita na nakukuha ng gobyerno sa mga lisensyadong online gambling sites.

Inihalimbawa pa ni Castro ang ginawang pagbabawal noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng online sabong subalit namayagpag pa rin ang mga iligal site na online sabong.

Magugunitang may ilang panukalang batas na ang inihain sa senado at ilang mga grupo na rin maging ang simbahan ang nanawagan ng tuluyang tanggalin dapat ang online gambling dahil sa maraming buhay na ang nasira dahil sa pagkalulon dito.