-- Advertisements --

Nag-courtesy call kay Philippine Sports Commission Chairman Patrick Gregorio si two-time World Pool champion Carlo Biado .

Kasunod ito sa pagkampeon ni Biado sa torneo na ginanap sa Saudi Arabia noong nakaraang buwan.

Binigyan si Biado ng pagkilala at certificate of recognition matapos na maging unang Pinoy na nagwagi ng World 9-Ball ng dalawang beses.

Ibinahagi ni 41-anyos na si Biado ang knaiyang naging karanasan sa nasabing torneo.

Dagdag pa nito na wala na itong naramdamang kaba kumpara sa unang pagkakataon noong nakamit niya ang kampeonato sa taong 2021 na ginanap sa US.