-- Advertisements --

Inaasahan na madadagdagan pa ang medalyang hahakutin ng atletang Pinoy sa nagpapatuloy na 20th Asian Games sa Japan.

Ngayong araw, Setyembre 26 ay sasabak sa men’s 70kgs si Albert Ian Delos Santos para sa final ng Weightlifting.

Ilang sports din na matutunghayan ay ang pagsabak ng mga atletang Pinoy sa beach volleyball, shooting, skateboarding, Esports, Equistran,baseball, Archery at Athletics.

Sasabak din sa unang pagkakataon ang Philippine Blu Girls para sa womens’ softball kung saan makakaharap nila ang Japan.

Habang sa boxing ay makakaharap ni Carlo Paalam si Jadumani Singh Mandengbam ng India para sa men’s 55kg. sa Round of 16.

Matapos ang panalo ni Carlos Yulo ng ikalawang gold medal ay umaasa si 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗢𝗹𝘆𝗺𝗽𝗶𝗰 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 (𝗣𝗢𝗖) 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 Abraham “Bambol” Tolentino na mayroon pang mga susunod na hahakutin na medalya ang Pilipinas.

Sa ngayon ay mayroong dalawang gintong medalya, isang silver at apat na bronze ang Pilipinas na nasa pang-13 puwesto.