-- Advertisements --

Naitala ng Alas Pilipinas ang unang panalo sa Leg 2 ng SEA Men’s V League 2025 matapos talunin ang Cambodia.

Naging sulit ang ginawang pagsisikap ng volley team ng bansa matapos ang apat na set 25-23, 25-22, 23-25, 25-18 at nakuha ang panalo sa laro na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Ito ang unang panalo mula noong Hulyo 12 at huling panalo laban sa Cambodia noong Leg 1.

Mayroon ng isang panalo at isang talo ang Pilipinas na sa kabuuan ay mayroong apat na puntos sa loob ng dalawang laro.

Noong araw kasi ng Miyerkules ay nabigo sila sa host country na Indonesia sa score na 19-25, 25-19, 25-21, 22-25, 8-15.

Makakaharap nila ang Thailand sa araw ng Sabado, Hulyo 19 para subukang makaabot sa SEA V League podium.