-- Advertisements --
Tila nais ipareskedyul ni Acting Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte ang nakatakdang charity boxing match nila ni Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III na gaganapin sana sa Linggo, Hulyo 27.
Ito ay matapos niyang sabihin sa isang video na may iba siyang ginagawa tuwing Linggo.
Gayunpaman, binanggit ni Duterte na available siya tuwing Martes at Miyerkules, o sa ibang araw—basta’t hindi Linggo.
Aniya, mas mabuti rin ito para kay Gen. Torre upang magkaroon pa ito ng dagdag na panahon para mag-ensayo.
Nagbigay pa ng payo si Duterte kay Torre na pagbutihin ang kanyang training, dahil tila sablay ang mga suntok nito at kailangan din umano nitong pagtuunan ng pansin ang pagdepensa sa kanyang mukha.