0B73F7AB 6997 44A1 A2B9 652986158720

Hindi nagpadaig sa tikas ng katawan at tangkad ng kalaban ang Bikolanong atleta ng Javelin throw men’s division para ibulsa ang gold medal sa naturang athletic event sa nagpapatuloy na South East Asian (SEA) Games sa New Clark City, Capas, Tarlac.

Dinomina ni Melvin Nolasco Calano ang event at naabot ang 72.86 meters para sa gold medal.

Hindi umano makapaniwala ang gold medalist na siya ang mananaig sa javelin dahil hindi ito masyadong nag-focus sa training matapos masira ang kanilang bahay sa Bicol dahil sa mga nagdaang bagyo.

Samantala, pumangalawa naman sa event ng athletics si Abd Hafiz ng Indonesia na mayroong 71.00 meters.

Hindi rin uuwi ng luhaan sa Vietnam si Hoai Van Nguyen na bronze medalist na nakapagtala ng 70.88 meters.