Coach William Mendoza of Singapore
Coach William Mendoza of Singapore

Pampanga- Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman ng isang pinoy coach sa Singapore mens softball team matapos nilang talunin ang koponan ng Pilipinas sa nagpapatuloy Sea Games 2019.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay William Mendoza masaya at nalulungkot ang kanyang nararamdaman dahil mismong koponan ng Pilipinas ang nakaharap ng team Singapore sa semi final.

Si Mendoza ay dating miyembro ng Philippine Team at humiwalay lamang ito noong nanirahan na ito sa bansang Singapore.

Dahil soft ball ang kanyang sports kung kayat kinuha siya bilang coach ng team Singapore.

Nilinaw niya na kahit coach man siya ng Singapore Team ito ay sports lamang at pagkatapos ng laban magkakakilala at magkakabigan parin sila sa mga atleta ng ating bansa.

Samantala ang Team Singapore sa mens softball ay naghihintay na lamang kung anong bansa ang makakalaban sa final round.

Nagtapos ang laro sa score na 4-3 na ginanap sa The Villeges Pampanga. (Bombo Rommel Campos)