-- Advertisements --
Naiproklama na bilang kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga si dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Isinagawa ang seremonya sa new legislative building ng provincial capitol ng Pampanga ang naturang proklamasyon.
Si Arroyo ay tumakbong unopposed sa naturang distrito at nakakuha ng kabuuang 227,254 votes.
Muling magiging kinatawan ng Pampanga 2nd district ang dating pangulo at magsisilbing miyembro ng 20th Congress.
Sa kaniyang karera bilang kongresista, dati siyang nagsilbi bilang Speaker of the House of Representatives.