-- Advertisements --

Pinag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang panukalang paghihigpit sa mga kabataan na gumamit ng social media.

Ang nasabing panukala ay lumutang sa isinagawang 44th ASEANAPOL Conference kung saan ang mga lider ng kapulisan ay nagpalitan ng mga kuro-kuro sa lumalalang security threats na sangkot ang mga kabataan at cyberspace.

Sinabi ni PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr, nais nilang gayahin ang ipinapatupad ng Australia.

Kasama kasi sa tinalakay sa nasabing conference ang nangyaring pamamaril sa loob ng paaralan sa Tacloban City kung saan sangkot ang mga kabataan.

Dagdag pa ni Nartatez na matapos ang pakikipagpulong sa mga katabing bansa ganun din ang ilang mga pag-uusap ay mayroong mga batas ang mga ito na maaring maikonsiderang ipatupad sa bansa.