Inakusahan ni Senator Alan Peter Cayetano si Senator Panfilo Lacson na umano’y sumusunod lamang sa dikta ng kasalukuyang administrasyon, kasabay ng umiinit nilang palitan ng pahayag kaugnay ng isyu ng flood control at impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang pahayag, tahasang sinabi ni Cayetano na may amo umano si Lacson at iginiit na ang mga hakbang nito laban sa kanya ay bahagi lamang ng mas malaking layunin ng administrasyon.
Ibinato din ng senador ang mga alegasyon na ang tunay umanong dahilan sa likod ng pang-gigipit sa kanya ay ang usapin sa bilang ng boto sa impeachment trial ng bise President, at charter change. Kung saan ginagamit umano si Lacson upang hindi ang administrasyon ang masisi ukol rito.
Kasunod nito, sinabi ni Cayetano na nagtulong-tulong umano ang mga kaalyado ng administrasyon upang mapa talsik si Duterte sa pwesto dahil mataas ang tiyansa nitong manalo sa susunod na eleksyon.
Inakusahan niya rin si Lacson na isa umano sa maraming pinangakuan na papalit kay Duterte bilang Bise Presidente sakaling ma-impeach ito kaya’t halatang-halata aniya na mas nakatuon ang atensyon ng kapwa senador sa impeachment kaysa sa imbestigasyon sa flood control scam at n sa umano’y napakaraming kurapsyon na nangyayari sa kasalukuyang administrasyon.
Iginiit din Cayetano na maraming alam si Lacson na katotohanan ukol sa katiwalian sa flood control scam ngunit hindi umano nito isinisiwalat ang lahat sapagkat ang bise Presidente rito ang makikinabang.
Sa kabila nito, sinabi pa rin niya na kung sinundan lamang umano ni Lacson ang ebidensya at ginawa ang kaniyang trabaho tio patas maging sinuman ang mataaman ng imbestigasyon, maari sanang susuportahan niya ito sa pangangampanya sa ambisyong maupo sa isa sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.
Nag ugat ang sunod-sunod na pagbibitaw ng mga maanghang na salita at pagbato ng mga alegasyon ni Cayetano matapos na palagan ni Lacson ang umano’y paninira nito sa kaniyang integridad.
Ibinunyag ni Lacson na mayroon umanong ghost project sa Taguig kung saan nanilbihan si Cayetano bilang dating kongresista at ay mga handa umanong tumestigo at magbigay ng ebidensya na maaring mag lagay kay Cayetano sa bilangguan.















