Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na pumanaw na ang apat na indibidwal na nakabarilan ng mga otoridad sa Arayat, Pampanga.
Sinabi ni PCol .Allen Rae Co, ang hepe ng Public Information Office (PIO) ng Philippine Naitonal Police, na nirespondehan ng mga otoridad ang sumbong dahil sa walang habas na pamamaril ng apat na suspek.
Pagdating ng mga otoridad ay nakipagpalitan ng putok ang mga suspek kung saan tinamaan ang mga ito.
Dinala pa ang mga ito sa pagamutan subalit sila ay hindi nagtagal at nasawi rin.
Inihayag din ni PCoL. Co na ang isa sa mga ito ay may kaso ng pagpatay sa ilang mga pulitiko sa nasabing lugar.
Inaalam din ng kapulisan kung may ibang mga kasamahan ang ibang mga suspek.
Dahil dito ay patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.
















