-- Advertisements --

Handa si Senator Robin Padilla sa pakikipag-usap sa aktres na si Angel Locsin.

Kasunod ito sa naging hidwaan ng dalawa noong impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa nasabing impeachment trial noong Hulyo 14 ay sinabi ng dating aktor na siya ay komunista.

Sa social media account ng aktres ay nanawagan ito sa Senador na pagpapalit ng political positions.

Kinuwestiyon ng aktres ang pagiging tahimik ng Senador noong siya ay na-red tagged kung saan ang alegasyon sa kaniya ay walang katotohanan.

Magugunitang iniugnay ang aktres ng mga dating military officials at si dating National Task Force to End Local Communist Armed Conflict spokesperson Lorraine Badoy sa mga komunistang grupo dahil sa humanitarian works at advocacies noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi naman ni Senator Padilla na kung nais ni Angel na kausapin sila ay bukas ang linya ng telepono niya at asawang si Mariel.