Naka-alerto na rin ang Office of Civil Defense (OCD) para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Lunes, July 27.
Ayon kay OCD Spokesperson Junie Castillo, una nang in-activate ang Blue Alert Status kasabay ng pagpasok ng bagyong Kiyapo at magtutuloy na ito hanggang sa pagtatapos ng Ulat sa Bayan ng pangulo.
Sa ilalim ng naturang status, 24/7 ang operasyon ng operations center ng OCD. Dito ay binabantayan ang ground situation, at mahigpit na nakikipag-ugnayan sa mga ahensiyang may kaniya-kaniyang tungkulin o pokus.
Bilang head agency sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), inaaral at sinusuri ng OCD ang realtime report ng bawat member agencies, lalo na sa security sector.
Ang mga naturang report ay ipinapasa ng bawat member agency kung saan nakasaad ang mga obserbasyon at ‘action taken’ o mga ginagawang hakbang ng government agencies na nakadeploy sa ground.
Ayon pa kay Castillo, target ng konseho na mapanatili ang ligtas at mapayapang pagdaraos ng ikalimang Ulat sa Bayan ng pangulo.
















