-- Advertisements --

Umakyat nasa 31 ang bilang ng nasawi sa pananalasa ng nagdaang habagat at mga bagyong Luis, Maymay at Neneng.

Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD) na mayroong 19 katao ang sugatan at tatlong iba pa ang nawawala dahil sa nasabing sama ng panahon.

May pinakamataas na bilang na nasawi ay naitala sa Benguet na umabot sa 15 kabilang ang 10 sa Baguio City, dalawa sa La Trinidad at tatlo naman sa Atok dahil sa landslides.

Mayroong tig-apat na nasawi ang naitala sa Rizal at Batangas.

Habang dalawa naman ang nasawi sa Occidental Mindoro at tig-iisa sa La Union, Quezon City, Oriental Mindoro, Negros Occidental at Caloocan.

Mayroong 2.2 milyon na pamilya o 7.7 milyon katao na ang apektado ng masamang panahon sa Ilocos Region, Cagayan valley, Central Luzon, Bicol , Zamboanga Peninsula, CALABARZON, Cordillera Administrative Region (CAR), Metro Manila at MIMAROPA.

Umabot na rin sa 2,700 na mga kabahayan ang nasira dahil sa sama ng panahon.

Nakapagbigay na rin ang gobyerno ng P1.42-B na halaga ng tulong sa mga naapektuhan ng sama ng panahon.